Sana paggising ko bukas, wala na ang sakit. na para lang akong nagkasakit, nakalimot sa pait na nawalan na ng bait. kapag naaalala ko kung paano ako nasaktan, mas lalo ko lang naaalala ang pagkabigo ko sa lahat. napakasakit. sana magmanhid na. pakiramdam ko, araw-araw ko ng mararamdaman yung pagdurusa . kahit alam ko na may katapusan din ang lahat. mag-iiwan na ito na parang sugat. sugat na minsang pinagdaanan ng aking puso. pagmamahal na hindi ko inakalang hindi pala pareho. sa mga napagdaanan ko sa buhay, binago na nito ang aking paniniwala ko sa pag-ibig ay hindi laging masaya. minsan, kailangan din palang masaktan. nakakalungkot kasi .. may mga bagy na kahit hindi natin gusto,kailangan nating tanggapin.tulad ngayon, ang minsang magmahal, umasa at masaktan. kung sana may nagturo o may gumabay man lang sakin nung mga panahon na pinagdaraanan ko iyon.ngayon.pero alam ko, panahon na rin ang magtuturo sa akin kung paano paninidigan ang mga bagay na aking pagdadaanan at ako na rin ang magpapasya kung paano ito pagdedesisyunan.
june 08,201411:50 p.m. sun
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento