Today, babalik na naman ako sa pagiging dati.ako na ulit yung dating walang pinagpaplanuhan sa mundo,yung go with the flow na naman.go with the flow kasi sumasabay lang sa agos ng buhay.yung tipong gigising ka lang kasi kailangan,hindi yung dahil gusto mo,yung haharapin mo yung araw na wala kang pakialam kung naging kapaki-pakinabang yung ginawa mo sa nagdaang oras sayo kasi wala na eh ..ganun pala talaga.ganun kasakit kapag sumaya at umasa ka.akala ko may happy endings na ang lahat.na sa haba ng panahon na ginugol at inaksaya mo sa pagpapakatanga.wala rin pala.galit,sakit, at lungkot.kulang pa yata lahat ng yan para lang masabi kong wala talagang kuwenta.akala ko naging manhid na ako sa mga panahong napagdaanan ko sa buhay.pero paulit-ulit pa rin pala.masasaktan pa rin ako.kung ano pa yung isang bagay na nagpapatibay sakin,yun pa yung giniba.masakit kasi namuhunan na ako eh.yung pangarap ko,pagmamahal,umasa,lahat-lahat.pati paniniwala ko.pinaglaban ko pa.tapos in the end,wala lang pala.ayokong kuwestiyonin ang diyos dahil wala akong karapatan,pero minsan napapaisip ako,"Bakit?" gusto ko lang naman sumaya.pero bakit ako laging nasasaktan?' sobrang sama ko kasi iniintindi ko lang yung sarili kong kaligayahan.na hindi ko inisip yung mga sakripisyo sakin ni god nung binigay niya sakin yung sitwasyong to'h.ang lakas pa ng loob kong magtanong sa kanya.pero magkaganun man,kahit ano mangyari,wala akong pinagsisihan.kasi kahit papano pinaranas nya sakin yung isang bagay na hinihiling ko: ang maging masaya.kaya sinunod ko ang puso ko nung makilala ko siya,pero siguro naman kailangan ko ng sundin ang utak ko para makalimutan siya.
Wala pala talaga.
June 6,2014 03:50 am

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento